9.29.2009

MANIPESTO NG ABANTE SAN JOSE

Image and video hosting by TinyPic
Noong ika – 24 ng Agosto 2009, nagimbal at nabalot ng dalamhati ang buong lungsod ng San Jose del Monte sa pagkamatay ng ating Punong Lungsod Eduardo V. Roquero, M.D. Ng sumunod na araw, Agosto 25, 2009, nanumpa sa harap ni Gobernador Joselito R. Mendoza sina Vice-Mayor Reynaldo S. San Pedro bilang Punong Lungsod at si Konsehal Nolly D. Concepcion bilang Pangalawang Punong Lungsod. Noong Lunes, ika-7 ng Septyembre, nanumpa naman si Eduardo V. Roquero, Jr. bilang Konsehal sa harap din ni Gobernador Mendoza. Malinaw na maayos ang transisyon ng posisyon sa Local na Pamahalaan ng San Jose del Monte.

Ngunit ilang araw lamang, pagkatapos na siya ay maihatid sa huling hantungan, isa nanaman trahedya ang gumimbal sa buong Lungsod sa pamamagitan ng ORDER na inilabas ng COMELEC EN BANC.

Sinasabi ng ORDER na kinakatigan ng COMELEC EN BANC ang Resolusyon ng kanilang 2nd Division noong Marso 9, 2009, na ang nanalo sa nakaraang eleksyon noong May 10, 2007 ay si Angelito M. Sarmiento sa pamamagitan ng botong 56,688 laban sa boto ni Mayor Eduardo V., Roquero, M.D. na 55,364.

Image and video hosting by TinyPic

Sinasabi ng ORDER na ito na dahil sa namatay na si Mayor Roquero ay wala ng interesadong partido na magpapatuloy ng kaso at dahil sa kahilingan at manipestasyon ng mga Konsehal ng K4 at kalaban sa politika ni Mayor Roquero na sina THELMA D. SAN PEDRO, ROMEO N. AGAPITO, PACIFICO A. DALUS, GLENN M. VILLANO, GIOVANNI B. CAPRICIO, CELSO G. FRANCISCO, at ALLAN REY A. BALUYOT ay dinismiss ng COMELEC EN BANC ang Motion for Reconsideration at nagdesisyon na bakantehin ni Mayor Reynaldo San Pedro ang posisyon ng Mayor.

Sapat bang maging batayan ng COMELEC EN BANC ang pagkamatay ni Mayor Roquero at ang manipesto ng kalabang Konsehal ni Mayor Roquero upang desisyonan ang protesta ni Angelito M. Samiento?

Image and video hosting by TinyPic

Bakit hindi idinaan ng mga Commissioners ng COMELEC sa tamang proseso ang pagresolba sa protesta. Paanong dinesisyunan ito ng mga Commissioner? Gayung hindi malinaw kung sino ang naglagay ng mga pekeng balota sa mga ballot boxes? Ano ang naging pananagutan ng mga taong siyang may hawak ng susi ng mga Ballot Boxes at ang mga taong siyang itinalaga upang mangalaga sa mga ito? Paanong narebisa ang mga Balota, samantalang ang mga Ballot Boxes ay nasa pag-iingat ngayon ng Senate Electoral Tribunal (SET).

Bakit hindi isinaalang-alang ang posisyon ng mga guro na nagsilbing mga Board of Election Inspectors (BEI) at nagsasabing naging malinis ang naganap na nakaraang halalan? Ano na ang naging silbi ng mga watchers na itinalaga sa bawat presinto at nagsasabi na walang anomalya na naganap noong halalan.

Ganun na lamang ba hinahatulan ang mga sagradong boto ng mga taga Lungsod ng San Jose del Monte? Isa itong pagsikil sa karapatan ng mayorya, sa esensiya ng demokrasya at paglalapastangan sa pangalang matagal na iniingatan ng yumaong Mayor Roquero.

Image and video hosting by TinyPic

Kasama na bang namatay ni Mayor ang sagradong boto ng mamamayan at ang kanyang pakikipaglaban sa katotohanan at katarungan? Dahil ba wala na siyang buhay at lakas upang ipagtanggol ang kanyang sarili ay basta na lang ba ibabasura ang kanyang ipinakikipaglaban? At ngayon ay malaya nilang sasabihin na siya ay nandaya?

Masasabi bang nandaya si Mayor Roquero na nakatapos ng tatlong (3) termino sa kanyang panunungkulan at isang termino ng pagiging Congressman at muling nakabalik sa pagiging Punong Lungsod? Hindi pa ba sapat na patunay ang libo libong tao na nagluksa sa kanyang pagkawala?

Hindi ba’t noong nakaraang halalan ang kasalukuyang Mayor ay si Angelito M. Sarmiento at sila ang may control sa buong cityhall? Paano dadayain ni Mayor Roquero ang isang incumbent at may kontrol ng kapangyarihan?

Sa unang lumabas na Resolusyon ng 2nd division at sa ORDER ng COMELEC EN BANC hindi nailahad kung paanong nagkaroon ng dayaan.

Sa paglabas ng ORDER sapat na bang masabi na ito na ang katotohanan at katarungan na si Mayor Roquero ang nandaya sa nakaraang halalan?

Papayag ba tayo na hindi merito ng kaso ang pinagbasehan ng comelec kundi ang kamatayan at manifestasyon ng mga konsehal na nakapanig sa partido ni Angelito Sarmiento?

Image and video hosting by TinyPic

Nagtatanong ang taong bayan; nasaan na ang katarungan? Sino ang dapat magbigay nito sa mamamayang San Joseno?

Ang tinatamasang kaunlaran ng SJDM bilang unang Lungsod sa Bulakan ay utang nating lahat kay Mayor Roquero. Ang panunungkulan ni Mayor Roquero ay maituturing na GOLDEN AGE OF GOVERNANCE. Hindi ito mapapasubalian ninuman.

Image and video hosting by TinyPic

Si Angelito Sarmiento ba ang dapat na mamuno sa isang Lungsod na buong ingat na iniangat ni Mayor Roquero sa mahabang panahon. Paano siyang magiging ehemplo ng kapayapaan kung siya mismo ang pinagmulan ng kaguluhan? Anong klaseng liderato ang kanyang taglay at iaalay? Katotohanan bang masasabi ang kanyang pinaglalaban o ito ay malinaw na KASAKIMAN SA KAPANGYARIHAN?

15 comments:

SAN JOSENOS said...

IPAGLABAN NATIN ANG SAGRADONG BOTO NG MGA TAGA SAN JOSE DEL MONTE!!!

HINDI MANDARAYA SI MAYOR EVR!!

MAGMULA NG DUMATING SI SARMIENTO SA ATING LUNGSOD, PURO KASAKIMAN SA KAPANGYARIHAN AT KAGULUHAN LAMANG ANG KANYANG IPINAKITA SA SAN JOSE!! ANG LUNGSOD NA PINAGKAINGATAN AT PATULOY NA PINAUNLAD NG YUMAONG MAYOR ED ROQUERO KASAMA NG SAGRADONG BOTO NG MAMAMAYAN NG CSJDM AY DAPAT NATING IPAGLABAN!!

KATARUNGAN AT KATOTOHAN PARA SA TAONG BAYAN AT KAY MAYOR EVR!!!

Tunay na San Joseño said...

Sino kaya ang totoong TALUNAN dito?

Nananahimik na ang Mayor Roquero!

Pagsabihan nga ninyo si Rey San Pedro nang matauhan na yan!

AT kayo, MAGSITAHIMIK NA RIN KAYO!!!

greys said...

isang tagatahol nanaman ang pinakawalan ng mga ataong walang moral..tunay nga na ang kabuktan ng pinuno ay masisinghot ng tauhan,,kung anong klaseng pagkatao meron ang yong pinanniniwalaan ay lumalabas sa iyo..TUNAY NA SAN JOSENO, nais kong intindihin ang hirap na inyong nararamdaman..ngunit dapat mong tanggapin na hindi lahat ng bagay ay nabibili ng salapi na..gaya na lamang ng respeto, pag galang at walang katapusang pagmamahal ng mga tao sa namayapang EVR..ang tanong, isa ba sa mga katangian na yan ay tinataglay ng iyong idolo?mapalad kmi na ang aming pinanniniwalaan kahit na syay wala na ay bumubuhos parin ang pagmamahal..di katulad ng amo mo na kahit ngayon na syay buhay pa ay nalimot na nang tao.
GOD BLESS YOU!! we will pray for ur soul as well..

lester_16 said...

hands down kami syo tunay na san joseno.. ikaw nga talaga si demonyito sarmiento.. grabe ka pre!

hanep ang cite nyo ah! puro Kasamaan, Kasinungalingan, Kabastusan at Kademonyuhan. K4 na K4 nga!!! ayos ah!

pagbutihan mo pa pangbabastos mo at ng mas lalo kayong kamuhian ng buong san josenos.

God bless din poh your soul... God bless...

Tunay na San Joseño said...

@lester_16

Sino kaya ang mas bastos:

* Ang maghayag ng katotohanan ukol sa kalagayan ng ating bayan, o

* Ang ginagawang pananabotahe ng tropang Berde/Kampi at pagmamatigas sa utos ng mga nasa pamahalaan at ang napakabastos na asal pa ng ilang mga tauhan nito lalo na ang BERDE BARUMBABOYS sa Sampol at ang mga namimilas ng paskil sa labas ng katabing opisina ng Fire Department?

Wake up and smell the kapeng barako.

greys said...

to tunay na bulok na san joseno

poor you..san ka ba nag aral?kung talagang totoo ang sinasabi mo bat kailangan mo magtago sa isang panglan na hindi bagay sa persona mo?anung alam mo sa pagiging tunay?anong naging ambag mo sa san jose para sabihin mong ikaw ang tunay na san joseno?tsk..tsk..tskk....nahawa ka na sa kabaliwan ng nakapaligid sayo...pathetic....kung totoo sinasabi mo wag ka mag tago..magpakilala ka..duwag..magkano talent fee mo?pr manager ka ba?kwawa nman client mo..imbis na matulungan mo lalo napapasama...seminar ka sa min ng image build-up..ay kaso cgro nag re-incarnate na si EVR di ka pa din matututo..tska di nga pala uso sa kampo nyo ung FACTS and TRUTH noh?kahit patay na si EVR totoo pinanghahawakan nya hnggang hukay..e kayo?nabubuhay sa kasinungalingan..na try mo na ba mag kumpisal?..oooopppsss...di nga pla kakayanin ng pari makinig sa kasinungalingan nyo...tsk..tsk//tsk..c lucifer ba amo mo?..nga pla..hindi aqo kay san pedro nagttrabaho..and one more..di qo kailngan ung swedo sa cityhall..try mo punta dito samin..pakainin kita ng hindi mo pa natitikman..alam mo kung anu un?respect ala EVR..truth and fairness shake..para hindi nman lagi LECHEflAMS laman ng kakarampot mong kokote..ung ulo mo wag mo lang ipatong sa balikat..ginagamit din yan...wag puro suklay lang nakikinabang dyan..sayang nman..

Anonymous said...

are u rfering 2 ur self?mukang di kna natutulog nka bantay ka ng nkabantay sa blog namin..la ba bumibisita sa blog nyo? malamang ganun n nga..wla nman mapapala kung ppunta dun db?baseless,senseless..wag mo ibahin pre..pakilala ka kc..napaka duwag mo nman pla..meron bang nakikipaglaban na ngttago sa pngalan?tsaka sabi mo binababoy nmin pnglan ni AMS?bkit?may ikabababoy pa ba un?grbe ..kala qo na attain nya na highest degree e..may susunod p pla..gosh...,

greys said...

GOD BLESS YOU!!!!

Jericho said...

Ayun mukang nakapag pahinga narin ang ating kaibigang Tunay na San Joseno... Mukhang di talaga kasi natutulog eh. Sana ay tigilan niya na ang paghithit ng damo at nakakasira ng utak yun. Kung anuanu sinasabi.

To Justice for EVR movement.
More power! God Bless you all!

Anonymous said...

@jericho...tnx sa pag suporta mo sa evr movement..

bahala na si LORD gumanti sa kabutihan mo...

sana mksama k nmin sa mga ssnod nming pagkilos para sa ktotohanan..

GOD BLESS YOU AND UR FAMILY!!!

Anonymous said...

to all who believed in what we are fighting for..

hope to hear more stories of EVR's greatness.. hope to be with you soon guys...

pls. come on OCT 18, 2009 sunday at 1:00 pm at SPNHS covered court.. a birthday tribute to EVR...

everyone is invited...

hope to see you there!!!

Anonymous said...

"para sa mga detractors ng ating kagalang-galang na EDUARDO V. ROQUERO...eto lang masasabi ko sa inyong lahat!

1.Magmumog kau ng holy water.
2.dalas-dalasan ang paliligo
3.matutong mag-analisa sa mga tunay na kaganapan.
4.wag maging bobo...
5.wag madaling magpatangay
6.matutong pagtrabahuan ang pera at wag umasa sa bigay ng kandidato upang manatiling bulag sa katotohanan.

pero alam nyo...ok lang na anjan kau kase ndi exciting ang LABAN NG BUHAY pag walang VILLAINS..

at kung hahanapin nyo ang aming bida...ay naku secret muna pero sana mag-ingat kayo kasi pumupuksa ang aming bida ng mga nagpapanggap na nagmamalasakit kuno...

pero ganunpaman kung hindi na kayo masaya sa ginagawa nyo OPEN ARMS namen kaung tatanggapin...

alam nyo naman cellphone nos. namen diba...

wag mahiya....

muah!

Anonymous said...

lapit na birthday ni EVR!

kitakits tau...

Anonymous said...

HAY KAKAWANG TUNAY NA SANJOSEÑO NALAMON N NG SALAPING PANTAPAL SA BUNGANGA AT SIKMURA....... MAGPAKILALA KA NGA NG MALAMAN MO ANG TUNAY NA DIWA NG MGA "TUNAY NA SAN JOSEÑOS" PLS LNG BAGUHIN MO NA NAME MO DI KA NAKAKATULONG SA PAG UNLAD NG MAHAL NAMING LUNGSOD.... AH ALAM KO NA KUNG TAGA SAN KA ISA KA SA MGA TAONG NAKIKINABANG SA AMING LUNGSOD EH DI KA NAMAN TLGA NAKATIRA D2 SA STA. MARIA O MARILAO KA NAKATIRA TULAD NG AMO MONG C AMS NA KURAKOT LNG ANG ALAM... KAKAWAWA LNG ANG MGA TAGA SAN JOSE KUNG CYA ANG UUPO AT MAMUMUNO.......

Anonymous said...

HOY KAPAL NG MUKHA MOH "TUNAY NA SANJOSEÑOS" PAKUWENTO KA SA AMO MO KUNG PAPAANO NYA KURAKUTIN ANG MGA PONDO NG GOBYERNO... TULADNA LNG NG MGA KALSADANG PINAGAWA NYA NA ANG TUNAY NA MAKIKINABANG EH YUNG MGA LUPAIN NLA.... KAPAL NG MGA MUKHA PERA NG MAMAMAYAN ANG NILUSTAY... SAKA PURO UTANG ANG INIWAN NYA.... SAKA YUNG INUTANG NYANG PERA PARA SA PROJECT MAGKANU YUNG NAKUHA NYA DUNG S.O.P 60% BA?? PABALATO KA SA KANYA!! NAPAKA BOBO MOHH!! KKAPL NG MUKHA NINYO DI NAMAN KAYO LEHITIMONG SANJOSEÑOS MGA BAHAY NYO KUNG DI NSA Q.C, MARILAO EH STA. MARIA...... KAPAL NYO DITO KAYO NAGKAKALAT NG KAGULUHAN....
KAYO NA LNG SANA ANG NAMATAY!!!

PATAY NA NGA SI E.V.R
BINABABOY NYO PA
DAPAT KAYO NA LNG NI A.M.S a.k.a GARFIELD YUNG NAMATAY

fOrEVeR E.V.R